ALDEN RICHARDS SINABI SA TAO AT SA MGA FANS NA HINDI MAWAWALA ANG ALDUB!


Tampok si Alden Richards sa finale episode ng 5th anniversary celebration ng Magpakailanman. Ipapalabas sa darating na Sabado ang "Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo" episode. Ito ay kuwento ng isang sundalo na lumaban sa katatapos lamang na digmaan sa bayan ng Marawi. "Ito po yung tungkol kay Sergeant Jomille Pavia," saad ni Alden. Hindi ito ang unang beses na gumanap si Alden bilang sundalo. Nauna na siyang napanood sa Wish Ko Lang, kung saan isinabuhay niya rin ang kuwento ng isang sundalo.



"Very inspiring po kasi ang kuwento ng mga sundalo when it comes to anthology. "Yun nga po, I did one episode na po sa Wish Ko lang. "Ito po yung medyo major dahil Magpakailanman po. At sa awa naman po ng Diyos, buhay naman po ang case study natin. "Medyo inspiring din po ang buhay niya and I was able to learn a lot po during the time na nagsu-shoot kami regarding the experiences niya po during the war.”



Noong November 20 nag-last taping day si Alden para sa Magpakailanman at mapapanood na ito sa Sabado, November 25. Nai-inspire rin daw si Alden sa kuwento ng mga Marawi soldiers at sa tapang na kanilang ipinakita sa panahon ng digmaan.



“Naipanalo po nila ang laban natin sa Marawi. Napaka-timely po ng episode and at the same time, para maipakita rin po natin sa mga audience nating Kapuso kung ano rin po ang nangyari during the war sa Marawi. “So, ibang klase po. Mahirap po siyang gawin kasi, mahihirap po ang eksena.”



MISSING DRAMATIC ROLES. Sa loob halos ng nakaraang tatlong taon, mas napapanood ang Pambansang Bae sa pagiging host.  Nagiging popular rin siya bilang one-half ng Aldub love team kunsaan partner niya si Maine Mendoza. Mas naging madalang ang paggawa ni Alden ng mga seryosong drama kung saan una siyang nakilala bilang isang Kapuso.



Ang huling primetime series niya ay ang Destined to be Yours nila ni Maine, pero sa ngayon ay mapapansin na kahit paano, nakakagawa siya ng ilang special drama roles. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa backstage ng Music Museum nang magkaroon ng GMA Artist Center Grand Fans' Day noong November 17.



Sinabi naming nami-miss din siya ng mga tagahanga niya sa mga drama roles niya dati. “Na miss ko rin po,” nakangiting pahayag ni Alden. “Kung gaano po na miss ng mga tao yung pag-portray ko po ng drama roles, sobrang na miss ko rin po siya. Ang tagal ko rin po siyang hindi nagawa at nagpapasalamat din po ako sa GMA at sa Eat Bulaga! na binibigyan po nila ko ng chance na makagawa ng ganitong klase.

ALDEN RICHARDS SINABI SA TAO AT SA MGA FANS NA HINDI MAWAWALA ANG ALDUB! ALDEN RICHARDS SINABI SA TAO AT SA MGA FANS NA HINDI MAWAWALA ANG ALDUB! Reviewed by Jing on November 22, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.