MAINE MENDOZA SUMUGOD SA BAHAY NILA ALDEN RICHARDS AT SILA AY NAGULAT DAHIL DITO!



Ginulat ng bida ng Destined To Be Yours na si Maine ­Mendoza ang mga fans nila ni Alden Richards nang magsugod-bahay ito sa bahay ni Pambansang Bae sa Santa Rosa, Laguna. Para lang sa mga followers ng Facebook page ni Maine, ­ginawa lang niyang bumisita sa tahanan ng mga Faulkerson at sorpresahin sila.




Sa kanyang ginawang album sa Facebook na “Sugod ­Bahay Faulkerson Household”, documented ang pagpunta niya sa ­bahay nila Alden kunsaan sinalubong siya ng ama ni Alden na si Daddy Bae. Nakipagkuwentuhan din si Maine sa lola ni Alden kunsaan pinakitaan siya ng mga ­photo albums.




Makikita rin sa mga photos na nag-pose si Maine kasama ng mga Iron Man collection ni Alden sa ikalawang palapag ng bahay nito. Pinakita rin ni Maine ang isang malaking ­trophy stand kunsaan naka-display ang mga napanalunang trophies ng leading man niya, pati na ang mga platinum album awards.




Hindi naman nakapasok si Maine sa mismong bedroom ni Alden dahil may key card lock ito at si Alden lang ang makakapagbukas nito. Pumunta naman si Maine sa kusina at naghugas ng mga pinggan sa lababo, tumulong sa pagluto, nagkalkal sa loob ng refrigerator, nagwalis ng sahig, nagwalis ng mga dahon sa garden at nagpa-selfie kasama ang aso ni Alden.




Nag-post pa si Maine ng mensahe para kay Alden sa Facebook: “Dear Alden, sana hindi ka talaga nagulat. Nanunugod, Meng.”



Nakakuha ng daan-daang libong likes ang naturang album sa Facebook page ni Maine.
MAINE MENDOZA SUMUGOD SA BAHAY NILA ALDEN RICHARDS AT SILA AY NAGULAT DAHIL DITO! MAINE MENDOZA SUMUGOD SA BAHAY NILA ALDEN RICHARDS AT SILA AY NAGULAT DAHIL DITO! Reviewed by Jing on October 18, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.