THROWBACK PICTURES NILA VIC SOTTO AT JOEY DE LEON NA UNANG NAG BIHIS-BABAE KILA LOLA NIDORA AT LOLA TINIDORA!


Sa pagtatapos ng Hulyo ay ipagdiriwang ang ika-37 na anibersaryo ng Eat Bulaga. Dahil sa nalalapit na selebrasyon ng programa, ilang lumang litrato ng dabarkads ang ibinahagi ni Joey de Leon.



Makikita sa isang throwback photo na bago pa man sumikat sina Jose Manalo at Wally Bayola sa pagbibihis-babae para buhayin ang iba’t ibang karakter ay nauna na itong gawin nina Vic Sotto at Joey.



“On Eat Bulaga’s 37th anniversary, watch out for Aray-na Grande and Mamaselena Gomez,” saad ng Henyo master sa kanyang post. 



Isa pang litrato ang ibinahagi ni Joey kung saan nagkukulitan ang mga dabarkads. Dito ay binigyang-diin niya kung gaano na katagal ang Eat Bulaga. Aniya, “Happy 1,923 weeksary! Mula oh yes hanggang oh no! Mula kay Ferdinando hanggang kay Rodrigo! Through 7 presidents! Thank you sa inyo!"

THROWBACK PICTURES NILA VIC SOTTO AT JOEY DE LEON NA UNANG NAG BIHIS-BABAE KILA LOLA NIDORA AT LOLA TINIDORA! THROWBACK PICTURES NILA VIC SOTTO AT JOEY DE LEON NA UNANG NAG BIHIS-BABAE KILA LOLA NIDORA AT LOLA TINIDORA! Reviewed by Jing on October 21, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.