ISANG BABAE NAHULOG SA RILES NG MRT, NAPUTOL ANG KANANG BRASO!


Naputulan ng braso ang isang babaeng pasahero ng MRT-3 matapos itong mahagip ng tren, Martes ng hapon.



Tinukoy ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez ang biktima bilang isang Angeline Fernando, 24 anyos.



"Nasa platform [ang biktima]... Nakasarado na 'yong tren, tapos umaandar na ang tren, nahilo [siya], nahulog sa pagitan ng pangalawa hanggang pangatlong bagon," ani Chavez. "May puwang doon, may space. So dito, nahulog, doon naputol [ang braso]."



Nauna nang sinabi ni Raffy Robles, MRT Ayala Station Supervisor, may isang babaeng pasahero na nahagip ng tren sa Ayala Station northbound 2:35 ng hapon.



Aniya, batay sa kuha ng kanilang CCTV ay nakitang tila nahilo ang biktima at nalaglag sa mismong pagitan ng dalawang bagon na umaandar. 



"Ang dinescribe sa'kin, na naputol 'yong braso malapit sa kilikili. At conscious 'yong babae no'ng dinala sa clinic... Nahiwalay 'yong kamay," ani Chavez.



Ayon kay Robles, nasa ligtas nang kalagayan ang pasahero.



Bumalik na sa normal ang operasyon ng MRT bago mag alas-kuwatro ng hapon.
ISANG BABAE NAHULOG SA RILES NG MRT, NAPUTOL ANG KANANG BRASO! ISANG BABAE NAHULOG SA RILES NG MRT, NAPUTOL ANG KANANG BRASO! Reviewed by Jing on November 14, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.