"NUKNUKAN KA NA NG KATANGAHAN PAG SA DEAD SEA NALUNOD KA PA!" JOEY DE LEON INULAN NG BATIKOS MATAPOS I-POST ITO!


Hindi nakaligtas sa netizens ang post ni Joey de Leon kung saan inilagay niya sa caption ang salitang "nalunod." Nataon kasing ipinost ito ng Eat Bulaga! host sa araw na binigyan ng tribute ng It's Showtime hosts ang yumao nilang kasamahan na si Franco Hernandez. Namatay ang Hashtags member noong Sabado, November 11, dahil sa pagkalunod.



Joey de Leon draws flak over "nalunod" caption of his throwback photo



Hindi nakaligtas sa netizens ang post ni Joey de Leon kung saan inilagay niya sa caption ang salitang "nalunod." Nataon kasing ipinost ito ng Eat Bulaga! host sa araw na binigyan ng tribute ng It's Showtime hosts ang yumao nilang kasamahan na si Franco Hernandez. Namatay ang Hashtags member noong Sabado, November 11, dahil sa pagkalunod.



Sangkot na naman sa kontrobersiya ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon.



Ito ay bunsod ng throwback photo ni Joey sa kanyang Instagram at Twitter accounts nitong Martes, November 15.



Sa naturang larawan ay makikita ang Eat Bulaga! host habang nakalutang sa Dead Sea.Caption ni Joey sa larawang ito: “Nuknukan ka na ng katangahan pag sa DEAD SEA nalunod ka pa!” 



Ang Dead Sea ay salt lake na matatagpuan sa border ng mga bansang Israel at Jordan. Ilang netizens ang pumuna at bumatikos sa post na ito ng 71-year-old TV host-comedian. Tila hindi raw tama ang timing ng pagpu-post ng throwback photo ni Joey. Nagkataon kasing kahapon din ay nagbigay ng tribute ang katapat na programa ng Eat Bulaga!, ang It's Showtime ng ABS-CBN, para sa namayapang Hashtags member na si Franco Hernandez. Namatay si Franco matapos malunod sa isang resort sa Davao Occidental noong Sabado, November 11.
"NUKNUKAN KA NA NG KATANGAHAN PAG SA DEAD SEA NALUNOD KA PA!" JOEY DE LEON INULAN NG BATIKOS MATAPOS I-POST ITO! "NUKNUKAN KA NA NG KATANGAHAN PAG SA DEAD SEA NALUNOD KA PA!" JOEY DE LEON INULAN NG BATIKOS MATAPOS I-POST ITO! Reviewed by Jing on November 16, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.