PAULEEN LUNA NANGANAK NA SA 1ST BABY NILA NI VIC SOTTO!


Nanganak na ang aktres / host na si Pauleen Luna sa isang “bouncing baby girl”. Ito ang inanunsyo ng asawa nitong si Vic Sotto sa Eat Bulaga.



Ani Vic…Mayroon tayong bouncing baby girl. Umalis ako sa ospital, tumatalbog – talbog pa talaga.



Nangako naman si Vic na kanilang ibabahagi ang mga larawan ng kanilang baby girl ni Pauleen.



Matatandaang unang inanunsyo ni Pauleen ang kanyang pagbubuntis noong Marso matapos ang isang taon ng kanilang kasal ni Vic Sotto.


Ang naturang “bouncing baby girl” ay unang anak ni Pauleen habang ika-5 naman ni Vic, kabilang na dito si Vico kay Coney Reyes, Oyo at Danica kay Dina Bonnevie, at Paulina kay Angela Luz.

PAULEEN LUNA NANGANAK NA SA 1ST BABY NILA NI VIC SOTTO! PAULEEN LUNA NANGANAK NA SA 1ST BABY NILA NI VIC SOTTO! Reviewed by Jing on November 06, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.